Southern Luzon, Visayas, at Mindanao apektado pa rin ng Easterlies – PAGASA
Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ay apektado ng Easterlies.
Sa weather forecast para sa araw na ito, ang Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Bicol Region, Visayas at nalalabi pang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Babala ng PAGASA ang mga mararanasang biglaan at malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, ay makakaranas ng isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.