MMDA nanindigan sa provincial bus ban sa EDSA

By Rhommel Balasbas May 02, 2019 - 04:03 AM

Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa layon ng pagbabawal ng mga provincial bus terminals sa EDSA.

Pahayag ito ng MMDA sa gitna ng petisyon sa korte laban sa naturang hakbang.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA traffic chief, bahagi ng demokratikong proseso ang petition for temporary restraining order (TRO) na inihain ng AKO Bicol party-list group sa Korte Suprema.

Pero igiinit ni Nebrija na ang resolusyon sa provincial bus ban ang isa sa pinaka-mabisang alternatibo para lumuwag ang Metro Manila.

“What alternatives do you have for us here in Metro Manila?” Nebrija asked. “It’s easy to kill a policy. But if we just keep on opposing [every policy], it’s going to be difficult [for us] to keep doing our job,” pahayag ng opisyal.

Sa ilalim ng MMDA Resolution No. 19-2 na magiging epektibo sa Hunyo, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na bawiin o ihinto ang paglalabas ng business permits sa mga terminal ng provincial bus sa EDSA.

Dahil dito, ang mga provincial bus ay magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa mga integrated terminals sa Santa Rosa, Laguna para sa mga manggagaling sa South, Valenzuela naman para sa mga mula sa North at sa Parañaque para sa mga galing sa Cavite.

Sa kanilang petisyon sinabi ng AKO Bicol na walang bisa sa simula pa lamang ang resolusyon dahil isa itong police power na hindi hawak ng MMDA.

TAGS: AKO Bicol party-list group, BONG NEBRIJA, bus terminal, edsa, korte suprema, mmda, police power, Provincial bus ban, tro, AKO Bicol party-list group, BONG NEBRIJA, bus terminal, edsa, korte suprema, mmda, police power, Provincial bus ban, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.