Pagpapagawa ng bahay ng mga Aeta na nilindol sa Porac, Pampanga tiniyak ng PCSO
Siniguro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbibigay ng tulong sa komunidad ng mga Aeta sa Pampanga na lubhang naapektuhan ng lindol.
Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, kinatawan ng ahensya na nagtungo sa lugar, magpapatayo ng bahay ang PCSO para sa mga Aeta sa Barangay Babo Pangulo sa bayan ng Porac.
Mayroon na aniyang P5 milyong tulong na iaabot ang PCSO para sa pagpapagawa ng bagong bahay ng mga Aeta.
Ang nasabing pondo aniya ay una nang naibigay ng PCSO bilang tulong sana sa mga biktima ng Bagyong Usman noong buwan ng Disyembre subalit hindi nagamit ng Provincial Government dahil limang buwan matapos ang kalamidad bago ito naibigay ng PCSO.
Apela naman ni Juanito dela Cruz, tumatayong barangay chairman ng mga Aeta na mas hangad nilang gawa sa kahoy ang itatayong bahay dahil takot na sila sa isa pang lindol.
Noong Lunes, personal ding iniabot ni Cam kay Pampanga Governor Lilia Pineda ang P5 milyong calamity fund na tulong ng PCSO sa mga nabiktima ng lindol.
Bukod sa Pampanga, magbibigay din ang PCSO ng P1.5 milyong tulong para sa mga residente ng Zambales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.