Mga manggagawa sa Bicol, makatatanggap ng dagdag-P5 sa sahod – DOLE
By Angellic Jordan May 01, 2019 - 02:51 PM
Sa paggunita sa Araw ng Paggawa, inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag P5 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Bicol Region.
Ayon kay Johana Vi Gasga, information office ng DOLE-Bicol, ito ay bahagi ng second tranche ng wage increase base sa Wage Order RBV-19 ng Regional Tripatite Wages and Productivity Board.
Dahil dito, ang bagong minimum wage rate sa rehiyon ay nasa P310 na.
Matatandaang ang first tranche ay inilabas noong September 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.