Kamara bigo, wala pa ring quorum para isulong ang BBL

By Jay Dones December 09, 2015 - 04:55 AM

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng pakikipag-usap ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga mambabatas para maisulong na ang Bangsamoro Basic Law, hindi pa rin nakabuo ng quorum ang mga ito sa sesyon kahapon.

Alas-5:45 ng hapon, agad na tinapos ni Deputy Speaker Roberto Puno ang sesyon ng Kamara matapos lumitaw sa opisyal na roll call na 134 lamang na mambabatas sa kabuuang 290 ang dumalo sa sesyon

Sa kabila nito, tiwala pa rin si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na makakakuha pa rin ng sapat na boto sa Kamara ang BBL upang maipasa ito sa January 2016.

Wala rin aniyang katotohanan na ituturing nang ‘patay ‘ ang BBL sakaling hindi nila ito maipasa bago matapos ang taon.

Naniniwala pa rin si Belomente na matatapos nila ang interpellation sa BBL bago ang adjournment sa December 18 sa kabila ng katotohanang apat na araw na lamang ang nalalabi sa sesyon ng Kamara para sa taong ito.

Matatandaang inimbitahan pa ni Pangulong Aquino ang mga mambabatas sa isang pangnahalian sa Malacañang upang kumbinsihin ang mga ito na ipasa na sa lalong madaling panahon ang BBL.

Sa naturang okasyon, umabot sa 150 mambabatas ang dumalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.