Pangulong Duterte nalulungkot na marami pang ring Filipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa
Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw, May 1.
Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na patuloy na pinagsusumikapan ng administrasyon na gumawa ng mga hakbang para matuldukan ang illegal contracting.
Giit ng pangulo, patuloy siyang umaasa na may babalangkasing batas ang kanyang mga kaalyado sa kongreso para pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa.
Partikular na dito ang sila’y mapagkalooban ng security of tenure.
Gayunman aminado ang pangulo na nakalulungkot na may mga Filipino pa rin ang pinipili na magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng mas malaki at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kani-kanilang pamilya.
Hindi aniya matatawaran ang sakripisyo ng mga Filipino na malayo sa kanilang pamilya para lamang makahanap ng magandang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.