Tatlong imahe, natagpuan sa ilalim ng Mona Lisa painting

By Jay Dones December 09, 2015 - 04:15 AM

 

Mula sa google

Bukod sa bantog na larawan ni Mona Lisa, may tatlo pang imahe na makikita na mistulang pinatungan ng mga pintura sa bantog na likha ni Leonardo Da Vinci.

Ayon sa French scientist na si Pascal Cotte, may nadiskubre siyang tatlo pang imahe ng babae sa ilalim ng mga pintura ng Mona Lisa masterpiece.

Ang naturang mga tagong imahe aniya ay ang posibleng orihinal na imahe ni Lisa Giocondo, na siyang subject ng naturang portrait.

Paliwanag ni Cotte, gumamit siya ng scientific imagery technique na nagsaliksik sa patung-patong na pintura na ginamit ni Da Vinci sa kanyang painting.

Dito, kanyang nadiskubre na isa sa mga nakatago o pinatungang larawan ay imahe ng isang babae na nakatingin sa malayo.

Ngunit hindi tulad ng imahe ni Mona Lisa, hindi nakangiti ang larawan ng babaeng nakatago sa painting.

Paniniwala ni Cotte, ang larawan na nakatago sa patung-patong na pintura ay ang orihinal na si Lisa del Giocondo oLIsa Gherardhini, na asawa ng isang Florentine merchant na ginamit na subject ni Da Vinci.

Ginawa ni Leonardo da Vinci ang Mona Lisa may 500 taon na ang nakalilipas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.