P-8 Poseidon plane ng US, ipinuwesto sa Singapore

December 09, 2015 - 04:13 AM

 

Mula sa boeing.com

Dineploy ng Estados Unidos ang kanilang P-8 Poseidon plane sa Singapore sa kauna-unahang pagkakataon nitong Lunes.

Ito ay sa harap ng hindi matapos-tapos na tensyon sa mga teritoryo sa South China Sea kung saan patuloy na nagtatayo ng mga isla ang China.

Ginawa ito ng Amerika bilang bahagi ng kanilang kasunduan sa Singapore na dapat mas paigtingin ang presensya ng US military sa rehiyon na pinag-aagawan, at kung saan ito nakatakdang manatili hanggang December 14.

Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, naging welcome sa Singapore sa pamamagitan ng kanilang Defense Sec. Ng Eng Hen ang pag-deploy ng Amerika ng kanilang P-8 Poseidon aircraft.

Batay sa joint statement ng US at Singapore, layon din ng deployment na ito na mas palawigin ang inter-operability ng mga regional militaries sa pamamagitan ng bilateral and multilateral exercises.

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ng defense ministry ng Singapore na parehong sumang-ayon ang kani-kanilang ministers na mas makabubuti sa pagpapalaganap ng kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific region ang presensya ng US.

Samantala, kumbinsido naman ang ilang diplomats na may mensahe ang deployment na ito at nagsisilbing patama ng Amerika sa China.

Bukod sa Pilipinas, kasama ang mga bansang Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan sa mga dumadaing na inagawan ng teritoryo ng China sa South China Sea.

Ang P-8 aircraft ay isang modified na Boeing 737 na may advanced sensors at radar para sa mas epektibong pangangalap ng intelligence.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.