MMDA: Bahagi ng Marcos Highway Bridge isasara mula May 4

April 30, 2019 - 11:38 PM

Credit: Faye Orellana, Inquirer.net

Simula May 4 ay isasara ang bahagi ng Marcos Highway Bridge para sa gagawing rehabilitasyon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang rehabilitasyon sa Sabado mula alas 11:00 ng gabi.

Tatagal ang pagkumpuni sa Marcos Highway Bridge mula 4 hanggang 5 buwan.

Apektado ng pagsasara ang silangang bahagi ng tulay na nagkokonekta sa Katipunan Avenue, Marikina at Antipolo, Rizal.

Pagkatapos ay sunod na aayusin ang kanlurang bahagi ng tulay.

Kasabay nito ay magkakaroon ng truck ban tuwing umaga mula alas 6:00 hanggang alas 10:00.

Ito ay para makabiyahe ang mga pribadong sasakyan mula Marikina na hindi maiipit sa trapik.

Ayon sa MMDA, aabot ng P150 milyon ang halaga ng rehabilitasyon ng tulay.

TAGS: 4 hanggang 5 buwan, Marcos Highway Bridge, May 4, mmda, P150 milyon halaga, pagkumpuni, rehabilitasyon, truck ban, 4 hanggang 5 buwan, Marcos Highway Bridge, May 4, mmda, P150 milyon halaga, pagkumpuni, rehabilitasyon, truck ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.