Pulis sa Davao City sugatan matapos aksidenteng maputukan ng sariling service firearm
Sugatan ang isang pulis matapos aksidenteng matamaan ng bala ng sarili niyang service firearm sa Davao City.
Kritikal ang kondisyon sa intensive care unit ng Davao Doctors Hospital ni Patrolman Lloyd Ligue, 25 anyos na nakatalaga sa Mobile Patrol Group ng Davao City Office.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang pulis.
Ayon sa kaniyang live-in partner na si Daisy Ale, tumawag sa kaniya si Ligue at dumadaing ito ng pananakit ng tiyan.
Nadatnan umano niya ito sa boarding house na nagtatanggal ng baril sa holsterat pagkatapos ay ipinatong ito sa cabinet, pero bigla itong pumutok.
Agad isinugod sa pagamutan ang pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.