Easterlies magdudulot ng pag-uulan sa CARAGA, Davao

By Len Montaño April 30, 2019 - 04:55 AM

Patuloy na makakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong Martes ang easterlies.

Ayon sa 4am Pagasa forecast, magkakaroon ng maulap na panahon na may pag-uulan at thunderstorms sa CARAGA at Davao region dahil sa easterlies.

Posible ang flash floods at landslides sa naturang mga rehiyon dahil sa kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-uulan.

Maulap din ang panahon sa Visayas, Bicol Region at natitirang bahagi ng Mindanao.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, partly cloudy to cloudy ang asahang panahon na may isolated na pag-uulan hanggang localized thunderstorms.

Nagbabala ang Pagasa sa mga residente sa nasabing mga lugar na mag-ingat sa baha na posibleng maranasan dahil sa matinding thunderstorms.

TAGS: Caraga, cloudy, Davao, easterlies, flash floods, Landslides, Maulap, pag-uulan, Pagasa, Thunderstorms, Caraga, cloudy, Davao, easterlies, flash floods, Landslides, Maulap, pag-uulan, Pagasa, Thunderstorms

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.