Trainer aircraft, nagcrash landing sa karagatan ng Calapan Oriental Mindoro

By Ruel Perez December 08, 2015 - 02:14 PM

calapan or minIsang trainer aircraft ang nagcrash landing sa dagat 500 metro mula sa Calapan Airport Oriental Mindoro ngayong umaga matapos itong magsagawa ng touch & go exercise.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, ang trainer aircraft na may registry RP C2280 ay napag alaman na pag aari ng Sapphire Intl Avaiation Academy .

Hindi naman nasaktan ang piloto na nakilalang si Capt Angelo Zerna at ang student pilot na si Mark Mendoza pero dinala pa rin ang mga ito sa ospital para ma check-up.

Samantala, nagpadala na ng mga tauhan mula sa AAIIB o Aircraft Accident Investigation & Inquiry Board para matukoy kung ano ang naging sanhi ng insidente.

TAGS: Calapan Airport Oriental Mindoro, trainer aircraft ang nagcrash, Calapan Airport Oriental Mindoro, trainer aircraft ang nagcrash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.