Susunod na presidente ng bansa dapat may puso ayon kay Pangulong Duterte
Bagaman sa taong 2022 pa ang susunod na presidential elections, ngayon pa lamang, nakikiusap na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataang botante na piliin ang susunod na lider ng bansa na may puso.
Sa talumpati ng pangulo sa opening ceremony ng Palarong Pambansa sa Davao City kahapon, sinabi nito na bilang isang demokratikong bansa, maraming opsyon o pagpipilian ang mga botante.
Pero ayon sa pangulo, dapat may puso ang susunod na lider na nakakaalam sa sentemyento ng ordinaryong Filipino.
Maari aniyang isang muslim o taga-Maguindanao, o tausug o Ilocano ang susunod na lider.
“You have so many options in a democracy. And maybe piliin lang ninyo ‘yung tao na — who has the heart. It could be a Muslim, it could be Maguindanao, it could be a Tausug, it could be an Ilocano,” ayon sa pangulo.
Sa taong 2022 pa matatapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.