LOOK: 14 na flights ng Cebu Pacific na kanselado ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 29, 2019 - 06:41 AM

Kanselado ang 14 na domestic flights ng Cebu Pacific ngayong araw.

Ang hindi inaasahang aberya nitong nagdaang mga araw ang idinahilan ng Cebu Pacific sa pagpapatupad ng flight cancellations.

Ang pagpapatupad ng cancelled flights ay nagsimula na kahapon at tatagal hanggang sa Martes, April 30.

Para ngayong araw, kabilang sa mga apektado ang sumusunod na flights:

• DG6657 Cebu-Zamboanga
• DG6989 Zamboanga-Tawi-Tawi
• DG6990 Tawi-Tawi-Zamboanga
• DG6658 Zamboanga-Cebu
• 5J791/5J792 Manila-Butuan-Manila
• 5J705/5J706 Manila-Dipolog-Manila
• DG6503/DG6504 Manila-Cebu-Manila
• 5J991/5J992 Manila-General Santos-Manila
• 5J641/5J642 Manila-Puerto Princesa-Manila

Ayon sa Cebu Pacific, sa pamamagitan ng pagkansela ng mga flights ay inaasahan nilang maisasayos na ang sitwasyon at mababawasan ang perwisyo sa mga pasahero sa susunod na mga araw.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook o ipa-refund sa binayad nilang pamasahe.

TAGS: cancelled flights, cebu pacific, Radyo Inquirer, cancelled flights, cebu pacific, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.