“Bumubuti ba ang buhay natin kapag Labor Day?” – sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE MADERAZO

By Jake Maderazo April 29, 2019 - 06:33 AM

Sa Miyerkules, tampok na usapan ang dagdag sahod ng mga manggagawa.

Merong panukala ang labor groups na itaas ang kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila na P537 bawat araw.

Ang TUCP ay isinusulong ang P335 wage increase o P872 bagamat sinasabi nito na P1,200 na sweldo daw bawat araw ang sasapat sa pamilya na bi-nubuo ng lima katao.

Ang mga militanteng KMU at maging Ibon Foundation ay nagsusulong naman ng P750 national minimum wage.

Ang problema, kaila-ngang amyendahan ang RA 6727 (Wage Rationalization Act) na nagbuo ng mga “regional wage boards” na pag-aaralan ang “poverty threshold”, inflation rate, at cost of living ng bawat rehiyon.

Ang huling “nationally legislated wage hike” ay 30 taon na ang nakakaraan o kay Tita Cory noong 1989 kung saan inaprubahan niya ang “across the board wage increase” sa buong bansa na P25.

Pero ngayon, parang imposible nang mangyari ito. Kahit sa Amerika, ang sweldo ng mga minimum wage workers ay iba-iba sa bawat estado. Iba sa California, iba sa New York at sa Chicago.

Sa sitwasyon ngayon, ang mimimum wage wor-ker ay tumatanggap ng P10,740 bawat buwan (537 x 20 working days). Bukod diyan, meron siyang 13th month pay, meron din siyang isang buwan o 15 days vacation/15 days sick leave pay. Idagdag pa natin diyan ang halos isang buwang bakasyon dahil sa napakaraming non-wor-king holidays sa Pilipinas na sa huling kwenta natin ay nasa 23 araw bukod pa sa
mga local fiestas.

Dahil dito, ang bawat minimum wage worker ay sumasahod ng 15 months sa bawat taon, at kapag sinuma, pumapatak na P13,425 bawat buwan ang kanilang tinatanggap. Hindi pa kasama rito ang “overtime” at mga dobleng “holiday pays” ng mga manggagawa.

Kung ikukumpara natin ang sinasabi ng Philippine statistics Authority (PSA) na P10,475 ang “living wage” para sa bawat pamilyang may limang miyembro, masasabing sobra-sobra ang kinwenta nating P13,425 bawat buwan. At tandaan natin na “exemp-ted” na rin sila sa buwis.

Doon sa mga private workers na sumsuweldo ng P20,000 bawat buwan o P250,000 bawat taon, exempted na rin sila sa buwis. At parang binigyan sila ng “one month wage increase” ng BIR at gobyerno.

Kahit ang iba pang mas mataas ang sweldo ay nabiyayayaan din nang ibaba ang “personal income tax” mula 32 percent at naging 25 percent na lamang.

Hindi ba’t lumaking bigla ang sweldo nating lahat dahil lumiit na ang i-binabawas ng gobyerno?

Idagdag pa natin diyan ang mga benepisyo ng PhilHealth, SSS at Pag-ibig.

Pagdating sa pamilya, libre ang matrikula ng mga anak nila sa elementary at high school at ang mga state colleges at universities ay libre na rin.

Sinasabi ko ito para maintindihan din ng mamamayan ang aktwal na nangyayari sa ating lipunan. Mahirap po ang lagay ng mga negosyante dahil “15 months” talaga ang babayaran mo sa bawat empleyado mo.

Sa akin, dapat bilangin natin ang mga biyaya ng kasalukuyang sitwasyon. Isipin ang pangkalahatang ekonomiya, manggagawa ka man o kapitalista. Isipin ang ibayong pag-unlad ng ating bansa.

(Panoorin, at pakinggan ang Banner story 6-9am Inquirer 990 TV at DZIQ 990AM Lunes-Bi-yernes at mag-email sa [email protected] para sa comments)

TAGS: Labor, Radyo Inquirer, TUCP, wage hike, Labor, Radyo Inquirer, TUCP, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.