Otso Diresto buong pwersang nangampanya sa Cebu

By Rhommel Balasbas April 29, 2019 - 01:34 AM

Photo from Otso Diretso FB page

Full force na nangampanya ang walong kandidato ng Otso Diresto sa Cebu City araw ng Linggo.

Ito pa lamang ang ikalawang beses na nakumpleto ang slate sa pangangampanya simula nang umarangkada ang campaign season.

Noon pang Pebrero 13 huling nagkasama-sama sa Naga City sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas at Erin Tañada.

Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang campaign rally ng walo sa Cebu City na inorganisa ng Ahon Laylayan Koalisyon na binubuo mismo ng mga taga-suporta ng bise presidente.

Sa isang ambush interview sinabi ni Macalintal na bahagi ng kanilang political strategy ang hiwa-hiwalay na pangangampanya dahil mas marami silang nararating.

“That’s part of our political strategy. (Kung) Magkahiwa-hiwalay kami sa iba’t ibang mga lugar, mas marami kaming nararating,” ani Macalintal.

Ito rin ang iginiit ni Robredo na anya’y plano nila noon pa man dahil kulang ang araw para maikot ang buong Pilipinas.

Sinabi naman ng bise presidente na susunod na makikitang buo ang Otso Diretso sa Mayo 8 na huli na nilang campaign sortie.

Nanawagan si Robredo sa mga Cebuano na huwag lang iboto ang kanyang mga kandidato kundi ikampanya rin dahil sa kwalipikasyon ng mga itong matino, mahusay at matatag ang paninindigan.

“Matino, mahusay, at matatag ang panindigan. Sila pong walo ang ating kinakailangan sa Senado. Huling pakiusap po sa inyong lahat. Huwag lang po natin silang iboto; ikampanya rin natin sila,” ani Robredo.

Ang Cebu ay ang lalawigan na may pinakamalaking bilang ng botante sa higit tatlong milyon.

TAGS: campaign rally in Cebu, May 13 elections, Otso Diretso, Vice President Leni Robredo, campaign rally in Cebu, May 13 elections, Otso Diretso, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.