Immunization program ng gobyerno, nais paigtingin ni Angara

By Angellic Jordan April 28, 2019 - 01:58 PM

Hinikayat ni Reelectionist Senator Sonny Angara ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga mapanganib na sakit.

Ito ang naging reaksyon ng senador sa inilabas na ulat ng United Nations Children Fund (UNICEF) na tinatayang 2.9 milyong bata sa Pilipinas ang nananatiling walang bakuna.

Ibig-sabihin, ayon sa UNICEF, nadagdagan ang bilang ng mga batang nanganganib ang buhay at kalusugan.

Ani Angara, dapat siguruhin ang kaligtasan ng buhay ng mga bata hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga malalayong parte ng bansa.

“Dapat mas agresibo na tayo ngayon sa paniniguro na bawat batang Pilipino ay mababakunan upang mailayo sila sa mga karamdaman. Tiyakin natin na maging ang mga musmos na naninirahan sa pinakamalalayong lugar sa Pilipinas ay abutin ng immunization program ng gobyerno,” pahayag ni Angara.

Ian sa mga delikadong sakit na posibleng makuha ng mga bata sa kawalan ng bakuna ay ang polio, tigdas, beke, at rubella.

Dagdag ni Angara, kung sinsero ang gobyerno na programa sa bakuna, dapat paigtingin ang information drive partikular sa mga kanayunan.

Matatandaang umabot sa halos 30,000 ang kaso ng tigdas sa bansa kung saan 389 ang napaulat na nasawi noong buwan ng Enero ngayong taon.

TAGS: beke, immunization program, Polio, rubella, sonny angara, tigdas, beke, immunization program, Polio, rubella, sonny angara, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.