Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay 45 kilometers northeast ng General Luna.
Naitala ang pagyanig alas 7:11 ng gabi at may lalim itong 11 kilometers.
Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala sa ari-arian bunsod ng pagyanig.
Mula Sabado ng madaling araw, nakaranas ang General Luna ng serye ng aftershocks mula sa naunang lindol noong Biyernes.
Naitala ang mga lindol na mula magnitude 1.7 hanggang 4.9.
Ang pinakamalakas na aftershocks ay naitala alas 4:28 ng umaga, tectonic ang origin nito at ang episentro ay 71 kilometers southeast ng General Luna na may lalim na 4 kilometers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.