Mga pulis sa NCR pinayuhang samantalahin ang absentee voting

By Den Macaranas April 27, 2019 - 07:43 PM

Inquirer file photo

Pinayuhan ng pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanyang mga tauhan na bumoto sa darating halalan.

Sakabay nito ay sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na kailangang iboto ng mga pulis ang sa tingin nila ay mga kandidato na magdadala ng matinong liderato sa ating bansa.

Dahil nasa heightened alert ang buong pwersa ng pulisya sa mismong araw ng halalan sa May 13 kaya binigyan sila ng pagkakataon na bumoto bago pa man ang nasabing petsa.

Sa pamamagitan ng absentee voting ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan kasama na rin ang ilan sa pribadong sektor na makaboto ng mas maaga sa nakatakdang araw ng halalan.

Sa kanilang resolusyon, pinayagan ng Comelec ang mga pulis naka-assign sa NCRPO at Camp Crame na bumoto sa April 29, 30, at May 1, 2019.

Itinakda ang halalan ng nasabingmga police personnel sa mga sumusunod na lugar.

Kabilang dito ang Camp Crame Multi-purpose Hall sa Quezon City, Malabon City Police Station Eastern Police District Headquarters sa Pasig City, Pateros Municipal Hall, Quezon City Police District Headquarters at Regional Mobile Force Battalion Multipurpose Hall, Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Tiniyak naman ni Albayalde na nakahanda na ang kanilang buong pwersa para sa May 13 midterm elections.

TAGS: absentee voting, cam crame, gguillermo eleazar, PNP, absentee voting, cam crame, gguillermo eleazar, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.