Mga supporters ng Duterte-Marcos at Duterte-Cayetano tandem sumugod sa COMELEC

By Ruel Perez December 08, 2015 - 10:37 AM

Dalawang grupo ang nagpunta sa COMELEC main office sa Intramuros Maynila.

Magkaiba ang isinisigaw. Sa kaliwa, Duterte-Marcos habang sa kanan naman, Duterte-Cayetano.

Nakasuot ng pula na t-shirt ang mga supporters ni Duterte-Cayetano bitbit ang tarpaulin na may nakasulat na malalaking letra “Duterte’s substitution huwag hadlangan”.duterte marcosduterte-cayetano

Naka pink naman na t-shirt ang mga supporters ng Duterte-Marcos at nagkainitan pa ang magkabilang kampo na pinaghihiwalay lamang ng maliit na espasyo sa gitna para may pagkakakilanlan ang mga supporters ng Duterte-Marcos at Duterte-Cayetano. Nagkakaroon ng sagutan dito mga supporters ng dalawang kampo kasi hinarangan ng trak itong harap ng supporters ni Duterte-Bongbong.

Habang nakabantay naman sa harap ng main entrance ng COMELEC itong mga tauhan ng MPD at hindi hinahayaang makalapit itong mga supporters.

Bandang alas onse ng umaga inaasahan na magsasadya ng personal si Davao City Rodrigo Duterte para maghain ng kanyang COC.

 

TAGS: comelec, Duterte-Cayetano, Duterte-Marcos, comelec, Duterte-Cayetano, Duterte-Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.