Comelec: May pondo para sa postage fee sa overseas absentee voting

By Angellic Jordan April 26, 2019 - 10:35 PM

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas sila ng pondo para sa postage fee ng mga balota para sa overseas absentee voting.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Elaiza Sabile-David, director ng Office for Overseas Voting, responsable ang ahensya sa paglalabas ng pondo bilang mandato sa ilalim ng memorandum of agreement kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos i-report ng ilang Filipino na hindi pa natatanggap ang mga balota mula sa diplomatic posts sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng pondo.

Ang postage fee ay halaga ng binabayad ng governmental postal service para magpadala ng mga liham at iba pa.

Sa tweet naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, inaprubahan na ang karagdagang pondo para sa overseas ballots noong araw ng Miyerkules, April 24.

Sakaling makulangan ng pondo, sinabi ni Sabile-David na kailangang makumpleto ng diplomatic posts ang mga sumusunod:

– aktwal na programa ng expenditures na sinertipikahan ng kanilang Finance Officer

– aktwal na listahan ng registered voters na sinertipikahan ng kanilang Finance Officer

– Certification on insufficiency ng pondo na sinertipikahan ng kanilang Finance Officer

– Report mula sa Office for Overseas Voting sa kakulangan ng pondo na pirmado ng kanilang direktor

Maaaring bumoto ang mga botante sa Embahada ng Pilipinas o konsulado.

TAGS: balota, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, DFA, diplomatic posts, embahada, konsulado, overseas absentee voting, pondo, postage fee, balota, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, DFA, diplomatic posts, embahada, konsulado, overseas absentee voting, pondo, postage fee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.