Radio links ng bumagsak na Eurocopter sa Bulacan iimbestigahan ng CAAP
Sisiyasatin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang radio communication sa pagitan ng piloto at airport control tower para malaman ang sanhi ng pag-crash ng private helicopter sa Malolos, Bulacan.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apoloniya, i-rereview ang radio links ng Eurocopter H130 T2 chopper sa tower bago ito bumagsak sa isang palaisdaan sa Barangay Anilao noong Huwebes, April 25.
Nasawi sa aksidente si businessman Liberato “Levy” Laus, piloto na si Capt. Ever Coronal at bodyguard ni Laus na si Wilfran Esteban.
Ayon naman kay CAAP air crash investigator Harry Paradero, posibleng hindi inisip ng tatlo ang panahon o overloading ang sanhi ng aksidente.
Magsasagawa aniya ng reassemble sa ilang nakuhang parte ng helicopter para sa masusing imbestigasyon.
Patungong San Fernando, Pampanga sana ang helicopter at nakaalis sa Ninoy Aquino International Airport bandang 12:28 ng tanghali.
Napansin na lang ng mga residente sa barangay ang makapal na usok mula sa helicopter bago ito bumagsak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.