4 na naarestong drug suspects sa Taguig City nadiskubreng labas-masok sa kulungan
Pinaiimbestigahan ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pagkakabasura ng mga kaso ng apat na drug personalities na nahuli sa isang operasyon sa Taguig City.
Sinabi ni Eleazar na nalaman nila na naharap sa mga kasong may kinalaman sa droga ang apat na nahuli sa mga korte sa Makati City at Taguig City nitong nakalipas na dalawang taon ngunit pawang nabasura ang mga kaso.
Ayon kay Eleazar dahil may malaking pera sa industriya ng droga kanilang aalamin kung pera ang dahilan kaya’t nabalewala ang mga kasong isinampa laban sa apat.
Dagdag pa ng opisyal hindi maisasantabi na ang apat ay maari din magamit sa papalapit na eleksyon dahil ang mga ito ay miyembro ng kilabot na crime group.
Nakumpiska ang 165 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon mula sa apat bukod pa sa dalawang baril at isang granada.
Nabatid na ang grupo ay nagpapakalat ng droga sa Timog bahagi ng Kalakhang Maynila.
Ikinasa ang operasyon matapos ang ilang buwan na surveillance operations sa apat base sa impormasyon mula sa isang police asset.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.