Miyembro ng Abu Sayyaf na nagtrabaho bilang gwardya arestado sa Muntinlupa
Arestado sa Muntinlupa City ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ayon sa ulat mula sa Philippine National Police (PNP) ang suspek ay kinilalang si Aldemar Murih Sayari.
Bago naaresto si Sayari ay nakapagtrabaho pa ito bilang private security guard gamit ang pekeng lisensya.
Nadakip ang suspek sa Filinvest 3, Alabang Town Center sa Muntinlupa.
Hawak na Southern Police District ang suspek.
Ang private security agency na Blue Panther at kumuha sa suspek bilang gwardya ay natuklasang ilegal na nag-ooperate mula taong 2014.
Noong 2016 ay ipinatigil na ng PNP Civil Security Group ang operasyon ng kumpanya matapos mapaso ang lisensya nito taong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.