Konstruksyon ng bagong gusali ng PAO uumpisahan na
Magkakaroon na ng sariling gusali ang Central Office ng Public Attorney’s Office matapos pasinayaan ang pagtatayo nito sa Commonwealth Avenue tabi ng Commission on Audit (COA).
Pinangunahan ni PAO Chief Percida Rueda-Acosta at Justice Secretary Menardo Guevarra ang groundbreaking ceremony para sa 10-storey building.
Ayon kay Acosta, nagkakahalaga ang itatayong PAO building ng P900M na napondohan pa noong nakalipas na taon.
Inaasahan na matatapos ang paggawa nito sa Disyembre ng susunod na taon.
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na napapanahon ang pagtatayo ng gusali ng PAO ngayong sunod-sunod ang nagaganap na lindol.
Ibinalita naman ni Guevarra na para sa mga PAO Regional Office nagtatayo ang DOJ ng Hall of Justice kung saan magkakaroon ng opisina ang PAO at iba pang attached agency ng kagawaran.
Siniguro naman ng M.E. Sicat Construction sa pamamagitan ni Engr. Mike Sicat na kayang tumayo ng gagawing gusali hanggang sa magnitude 8 na lindol
Magdo-double time din anya sila upanh matapos sa target time na nais ng PAO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.