Tampok ang limang pelikulang Pilipino sa 21st Far East Film Festival sa Udine, Italy.
Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) napasama sa festival ang pelikulan ni Dan Villegas na “Hintayan ng Langit” ang “Miss Granny” ni Joyce Bernal, ang “Eerie” ni Mikhail Red at ang “Signal Rock” ni Chito Roño.
Ang apat ay napasama sa competition section ng film festival.
Habang ang pelikulang “Nunal sa Tubig” ni Ishmael Bernal ay kasama sa mga restored classics na ipalalabas sa festival.
Tiniyak naman ni FDCP Chairperson Liza Diño ang suporta sa mga pelikulang nakapapasok sa international film festivals.
Ang festival ay simula ngayong araw April 26 hanggang sa May 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.