Singil sa kuryente tataas ngayong Mayo

By Rhommel Balasbas April 26, 2019 - 04:19 AM

Muling nag-abiso araw ng Huwebes ang Meralco ukol sa nagbabadyang dagdag-singil sa kuryente sa Mayo.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na pagtataas ng yellow at red alert sa Luzon grid ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Dahil sa pagtataas ng yellow at red alert ay tumataas ang bentahan ng kuryente sa spot market na isa sa pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente ng Meralco.

Kahapon, araw ng Huwebes ay muling itinaas ang yellow at red alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Iginiit pa ni Zaldarriaga na tumataas din ang demand at ang temperatura na lalong nagpapalaki sa posibilidad ng dagdag-singil sa May bill.

Samantala, bukod sa dagdag-singil sa kuryente isa na namang oil price hike ang namumuro sa susunod na linggo.

Ito ay dahil tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa unang tatlong araw ng trading sa world market.

Tumaas na ng P0.76 kada litro ang presyo ng diesel, P0.67 sa kada litro ng gasolina habang P0.81 sa kada litro ng gaas.

Malalaman ang eksaktong halaga ng price adjustments matapos ang resulta ng trading ngayong araw.

TAGS: dagdag singil, diesel, gasolina, Kuryente, luzon grid, Mayo, Meralco, Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, produktong petrolyo, red alert, spot market, taas presyo, Yellow Alert, dagdag singil, diesel, gasolina, Kuryente, luzon grid, Mayo, Meralco, Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, produktong petrolyo, red alert, spot market, taas presyo, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.