Nasawi sa lindol sa Central Luzon pumalo na sa 18 ayon sa NDRRMC

By Rhommel Balasbas April 26, 2019 - 12:54 AM

Umakyat na sa 18 ang death toll matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Castillejos, Zambales noong Lunes ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa situational report ng NDRRMC araw ng Huwebes, bukod sa 18 nasawi ay umabot din sa 282 ang nasaktan habang pito pa ang nawawala.

Nagtamo naman ng pinsala ang higit 1,230 kabahayan sa Bataan at Pampanga.

Ayon sa NDRRMC, higit 900 pamilya sa Central Luzon, partikular sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales ang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers.

Samantala, higit P300 milyon na ang pinsala ng lindol sa mga paaralan, kalsada at tulay sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON at National Capital Region.

TAGS: 18 patay, 282 nasaktan, Castillejos, death toll, evacuation centers, lindol, magnitude 6.1, NDRRMC, P300 milyon, pinsala, zambales, 18 patay, 282 nasaktan, Castillejos, death toll, evacuation centers, lindol, magnitude 6.1, NDRRMC, P300 milyon, pinsala, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.