26 nasaktan sa M6.5 na lindol sa Eastern Samar ayon sa NDRRMC
Umabot na sa 26 katao ang bilang ng nasaktan sa magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Eastern Samar ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa situational report ng NDRRMC araw ng Huwebes, walang naitalang nasawi ngunit naapektuhan ang 93 pamilya sa 18 baranggay sa Eastern at Western Samar.
Umabot din sa higit 90 kabahayan ang napinsala sa dalawang probinsya.
Maliban dito, napinsala rin ang ilang simbahan, paaralan, commercial buildings at isang municipal hall bunsod ng lindol.
Pinakanagtamo ng pinsala ang San Julian, Eastern Samar na episentro ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.