NGCP nag-abiso ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila
Dahil sa manipis na reserba sa kuryente nagpa-abiso na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng posibilidad na rotational brownout sa ilang lalawigan sa Luzon at sa Metro Manila.
Ayon sa NGCP, maaring magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) ngayong araw sa ilang bahagi ng Cagayan, Quezon at Sorsogon gayundin sa Metro Manila.
Ito ay bunsod ng pag-iral ng yellow at red alert sa Luzon grid.
Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, maayos na sana ang sitwasyon ng mga planta bago ang nangyaring lindol sa Luzon noong Lunes.
May mga planta aniya ng kuryente na naapektuhan ng 6.1 magnitude na pagyanig kaya muling numipis ang reserba ng kuryente sa Luzon grid.
Kaugnay nito, nanawagan si Zaldarriaga sa publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.
Bagaman mahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa matinding init ng panahon, marami namang pamamaraan upang makatipid sa enerhiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.