Bawal ang higit 1-oras na tablet, CP, at TV para sa mga edad 5 pababa ayon sa WHO

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2019 - 08:55 AM

Nagpalabas ang World Health Organization (WHO) ng guidelines sa kung gaano kahaba lamang ang screen time na dapat payagan sa mga edad na 5 taon pababa.

Ayon sa health agency ng United Nations, ang mga batang edad 5 pababa ay dapat hindi lumalagpas sa 1 oras ang screen time kada araw.

Para naman sa mga sanggol o ang mga wala pang isang taong gulang ay dapat hindi talaga pinapayagan na mag-tablet, cellphone o mag-TV.

Wala namang inilahad na partikular na detalye ang WHO sa kung anong maaring maidulot sa bata ng pagbababad sa TV, tablet o cellphone.

Pero hinihimok ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na maging aktibo sa physical activities at tiyaking nakukumpleto ang tulog.

Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng guidelines sa screen time para samga bata ang WHO.

Halos kahalintulad ang guidelines ng naunang alituntunin na inilabas ng American Academy of Pediatrics.

Sa naging rekomendasyon noon ng AAP, ang mga batang edad 18 buwan pababa ay dapat hindi payagan na magbabad sa screens.

TAGS: Health, screen time for kids, United Nations, World Health Organization, Health, screen time for kids, United Nations, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.