Japan nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng lindol sa Luzon at Visayas
Nagpahayag ng pakikiramay ang Japan sa mga pamilya ng mga biktima ng magkahiwalay na lindol sa Luzon at Visayas.
“We would like to extend our sincere condolences to the families of the deceased and express our sympathies to all those afflicted by the recent earthquakes in Luzon and Eastern Samar,” pahayag ni Japanese Ambassador to Manila Koji Haneda.
Ang Japan na madalas ding nililindol ay handa anyang magbigay ng kinakailangang tulong ng Pilipinas.
Umaasa si Haneda na mabilis na makababangon ang mga rehiyong naapektuhan ng kalamidad.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay 17 na ang nasawi sa lindol habang 14 pa ang patuloy na pinaghahanap mula sa isang gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.