Comelec 90% nang handa para sa May 13 elections

By Rhommel Balasbas April 25, 2019 - 03:08 AM

File photo

Ninety percent nang handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na May 13 midterm national and local elections.

Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang natitirang 10 percent ay kinabibilangan ng deployment ng 85,000 automated machines.

Iginiit ni Jimenez na ang preparedness level ng poll body ay maaaring nasa 95 percent na kung hindi lamang dahil sa serye ng mga paglindol sa bansa.

Sinabi naman ng opisyal na nasa proseso na ang Comelec sa pagsuri sa kahandaan ng bawat pasilidad para sa halalan lalo na sa mga lugar na napinsala ng lindol.

Sa ngayon anya ay wala pang rekomendasyon sa paglilipat ng polling centers dahil sa mga lindol.

Samantala, nakatakda nang simulan ng Comelec ang shipping ng mga balota at prayoridad ang malalayong lugar.

TAGS: 90 percent, automated machines, balota, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, handa, lindol, May 13 elections, polling centers, shipping, 90 percent, automated machines, balota, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, handa, lindol, May 13 elections, polling centers, shipping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.