Pagasa: Asahan ang mas mainit na panahon sa susunod na mga linggo

By Len Montaño April 25, 2019 - 12:21 AM

Nagbalala ang Pagasa sa publiko na asahan na lalong iinit ang panahon sa susunod na mga linggo.

Ayon kay Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio, ang peak ng summer season ay nangyayari sa ikatlong linggo ng Abril at nagtatapos sa ikalawang linggo ng Mayo.

Base anya sa kasaysayan at record ng Pagasa, ang mataas na temperatura ay naitatala sa naturang panahon.

Samantala, sa Metro Manila, ang heat index araw ng Miyerkules ay umabot sa 39.6 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City habang 41.4 naman sa Pasay City.

Batay sa Pagasa heat index board, ang pinakamataas na heat index ay sa Dagupan, Pangasinan kung saan 48.8 degrees Celsius ang naitala alas 2:00 ng hapon.

Nasa 17 lugar sa bansa ang nagtala ng heat index na maituturing na nasa danger level.

Ikinukunsidera ng Pagasa na mapanganib ang heat index na 41 degrees Celsius pataas.

Ang sumusunod na mga lugar ang may heat index na nasa danger level:

Dagupan City, Pangasinan: 48.8°C

Casiguran, Aurora; 45.9°C

Guiuan, Eastern Samar: 45.1°C

Infanta, Quezon: 44.7°C

Cuyo, Palawan: 44.2°C

Ambulong, Batangas: 43.7°C

Tayabas City, Quezon: 43.2°C

Baler, Aurora: 43.1°C

Tuguegarao City, Cagayan: 42.2°C

Roxas City, Capiz: 41.9°C

Sangley Point, Cavite: 41.8°C

Virac, Catanduanes: 41.6°C

General Santos City, South Cotabato: 41.4°C

Pasay City, Metro Manila: 41.4°C

Iba, Zambales: 41.3°C

Aparri, Cagayan: 41°C

Laoag City, Ilocos Norte: 41°C

TAGS: 48.8 degrees Celsius, Aldczar Aurelio, Dagupan, danger level, heat index, mas mainit, mataas na temperatura, Pagasa, panahon, pangasinan, 48.8 degrees Celsius, Aldczar Aurelio, Dagupan, danger level, heat index, mas mainit, mataas na temperatura, Pagasa, panahon, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.