Clark International Airport, balik operasyon na
Balik operasyon na Clark International Airport kaninang alas kwatro ng hapon matapos ang 48 oras na pagsasaayos dito.
Matatandaang malaki ang naging pinsala sa paliparan matapos itong yanigin ng lindol noong lunes, April 22.
Ayon kay CIAC President at CEO Jaime Melo, ligtas na umanong gamitin ang mga pasilidad at runway sa aiport.
Ang flights na palabas ng bansa ay:
SCOOT TR387 – CLARK-SINGAPORE – 6:30PM
AIR ASIA Z25126 CLARK-TAIPEI – 6:35PM
CEBU PACIFIC 5J120 – CLARK-HONGKONG – 7:20PM
EMIRATES EK338 – CLARK-DUBAI – 8:20PM
CEBU PACIFIC – 5J609 CLARK-CEBU – 8:35PM
Ang mga paparating naman na byahe ay:
SCOOT TR386 – SINGAPORE-CLARK – ETA 5:50PM
EMIRATES EK338 – DUBAI-CLARK – ETA 6:50PM
CEBU PACIFIC 5J608 – CEBU-CLARK – 8:05PM
CEBU PACIFIC 5J370 – MACAU-CLARK – 9:20PM
AIR ASIA Z25127 – TAIPEI-CLARK – 11:10PM
JETSTAR -3K775 – SINGAPORE-CLARK – 11:40PM
Paalala ng pamunuan ng Clark Airport, kung hindi pa kumpirmadong tuloy ang byahe ay huwag munang magtungo sa paliparan at alamain muna ito.
Sa mga may kumpirmadong flights naman ay magtungo sa airport ng maaga o tatlong oras bago ang byahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.