Red Alert, ibinaba na ng NGCP ngayong gabi

By Clarize Austia April 24, 2019 - 08:13 PM

Ibinaba na ng National Grid Coporation of the Philippines o NGCP ang Red Alert Notice sa Luzon grid kaninang 7:30 ng gabi.

Ito ay matapos itaas ang red alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente ngayong araw.

Hindi rin ipinatupad ng NGCP ang dapat Manual Load Dropping o power interruption kaninang alas sais hanggang alas otso ng gabi.

Bagamat ibinaba na ang red alert ay maaari pa rin umanong magpatupad ng power interruption ngayong alas otso hanggang alas nuebe ng gabi sa mga parte ng cagayan, albay, at mga bahagi ng metro manila.

Patuloy pa rin umano ang pagmomonitor ng NGCP sa lagay ng grid at supply ng kuryente at magbibigay ng updates.

 

TAGS: ibinaba, luzon grid, red alert, ibinaba, luzon grid, red alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.