Multang ipinataw sa Manila Water, dapat mapunta sa mga apektadong consumer – Rep. Zarate

By Erwin Aguilon April 24, 2019 - 08:00 PM

Nais ipasiguro ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na direktang mapapakinabangan ng mga apektado ng water shortage ang P1.134-billion na multang ipinataw sa Manila Water.

Ayon kay Zarate, dapat na ma-convert bilang rebates sa bill ng mga apektadong consumer ang multang ipinataw ng MWSS sa Manila Water alinsunod sa itinatakda ng kanilang concession agreement.

Nagdusa anya at gumastos ang mga consumer ng Manila Water noong Marso hanggang ngayon kaya marapat lamang na ang mga ito rin aniya ang makinabang sa ipapataw na parusa sa naturang water concessionaire.

Sa kabila nito, sinabi ni Zarate na maghahain pa rin sila ng kaso laban sa Manila Water at panagutin ang lahat ng mga opisyal na bigong gampanan ang kanilang trabaho na nagresulta sa water shortage.

TAGS: manila water, mwss, Rep Zarate, manila water, mwss, Rep Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.