Biñan City, Laguna, nawawalan ng P1.3B na assets ayon sa COA

By Ricky Brozas April 24, 2019 - 07:51 PM

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit ang Biñan City Government sa Laguna kaugnay ng sinasabing pagkawala ng 1.3 billion na assets ng lungsod.

Ayon sa COA, natukoy ang iba pang indikasyon ng mahinang fiscal management sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Walfredo Arman Dimaguila.

Bukod sa 1.3-billion pesos na halaga ng “missing assets”, naging palaisipan sa COA ang kabiguan ng alkalde na gamitin ang pondo ng syudad upang tugunan ang mahigit 160-million pesos na utang at iba pang financial obligation ng Biñan City Govt.

Natuklasan pa sa audit report na labing pitong service vehicles ng lungsod ang hindi nairehistro sa Land Transportation Office habang ang dalawampu’t anim na iba pang sasakyan ay ipinamahagi nang walang kaukulang “acknowledgement receipt for equipment.”

Nakarating din sa kaalaman ng COA ang kabiguan ng alkalde na mailipat sa pangalan ng syudad ang 111-million pesos na halaga ng lupain dahilan upang mapunta ang properties sa ibang claimants.

Nagtataka rin ang COA sa mahinang fiscal management sa ilalim ni Mayor Dimaguila gayung ideneklara ng pamahalaang lungsod na tumaas ang revenue nito ng 587-million pesos , mula 1.7-billion pesos noong 2016 ay naging 2.3-billion pesos sa sumunod na taon.

TAGS: Binan City, COA, nawawala, P1.3B asset, Binan City, COA, nawawala, P1.3B asset

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.