Mga gusali sa Makati City ligtas makaraan ang lindol – Mayor Abby Binay

By Den Macaranas April 24, 2019 - 05:50 PM

Inquirer file photo

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na dumaan na sa mabusising inspeksyon ng city engineering office ang Makati City Hall, Ospital ng Makati at lahat ng mga pampublikong paaralan at gusali ng pamahalaan sa lungsod.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko kaugnay sa naganap na malakas na lindol noong Lunes.

Malapit na ring matapos ang isinagawang inspeksyon sa lahat ng mga barangay halls kung saan tanging sa Brgy. Sta. Cruz covered court sila nakakita ng crack.

Sinabi pa ni Binay na walang naitalang casualties o kaya ay sugatan ang Makati Commercial Estate Association (MACEA), the Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga barangay officials kaugnay sa naganap na lindol.

Inatasan rin ng alkalde ang Office of the Building Official (OBO) at ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) na pangunahan ang inspeksyon sa lahat ng mga private buildings at public facilities sa kabuuan ng Makati City.

Para mapabilis ang trabaho, bumuo ang Makati City Hall ng 18 inspection teams mula sa OBO, DEPW, MDRRMO, General Services Department, Makati Health Department, Bureau of Fire Protection at Department of Education.

Bilang paghahanda sa hindi inaasahang mga pagyanig, muling makikipag-ugnayan ang Office of the City Mayor sa mga barangay officials pati na rin sa mga security personnel ng mga pribadong gusali sa lungsod.

Bilang bahagi ng paghahanda sa “The Big One”, ang Makati City Hall ay namigay na rin sa mga mag-aaral ng hard hats, emergency “go bags” na may lamang hygiene kit, food bars, glow sticks, first aid kit, emergency rope, pocket knife, thermal blanket, tube tent, respiratory masks, at de-bateryang radio reciever.

TAGS: Abby Binay, barangay hall, big one, go bags, makati city hall, Abby Binay, barangay hall, big one, go bags, makati city hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.