Canada nangakong aakuin ang responsibilidad sa mga basurang pumasok sa bansa
Naglabas ng pahayag ang Canadian Embassy sa Pilipinas na nangangakong resolbahin ang isyu sa basura.
Ito ay matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa umano siyang magdeklara ng giyera kung hindi ito maaayos.
Ayon sa pahayag ng Canadian Embassy, makikipagtulungan sila sa mga ahensiya ng pamahalaan para resolbahin ang nasabing problema.
Kinikilala rin umano nila ang desisyon na korte sa importer na nag-uutos ibalik ang mga basura sa kanilang bansa.
Sa kasalukuyan, ay mayroon ng technical group mula sa magkabilang kampo nagsasagawa ng pag-aaral kung paano maiaalis ang basura na hindi makakasama sa kapaligiran.
Nilinaw rin sa kanilang pahayag na ang Canada ay nagpapatupad na ng bagong panutunan sa hazardous waste shipments noong 2016 upang hindi maulit ang ganitong insidente.
Giit rin ng embahada na matibay ang relasyon ng dalawang bansa at may iisang layunin na patatagin ang political, economical, at cultural relations.
Ngayong 2019 ay ginugunita ang ika 70 taon na relasyon ng dalawang bansa.
Nauna dito ay sinabi ng pangulo na itatapon niya sa harapan ng gusali ng Canadian Embassy ang kanilang mga basura kundi ito maibabalik sa nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.