10 nasugatan sa lindol sa Eastern Samar
Umabot sa 10 katao ang naitalang sugatan sa magnitude 6.5 na lindol na Eastern Samar kahapon, Martes (Apr. 23).
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 35 istraktura at gusali ang nagkaroon ng pinsala.
Nakilala ang pito sa mga nasugatan na sina Ricky Pabroa, 39; Joseph Froilan, 46; Ernesto Aseo, 42; William Milagros, 48; Nikki Osal, 34; Clarita Borden; at Analyn Ibanez.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig sa Eastern Samar ay dahil sa paggalaw nf Philippine sea plates sa Philippine Trench.
Hindi rin umano ito kaugnay ng naunang 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Central Luzon at Metro Manila noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.