Aftershocks ng 6.5 magnitude na lindol sa Visayas umabot na sa 60
Nakapagtala na ng 64 aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol na tumama naman sa Visayas kahapon, araw ng Martes.
Ayon sa Phivolcs, as of alas 4:00 ng madaling araw kanina, 64 na ang naitalang aftershocks at 3 dito ang naramdaman.
Ipinaliwanag naman ni Phivolcs Seismology Department OIC Ismael Narag kung bakit sa kabila ng mas malakas ang lindol na tumama sa Visayas kumpara sa Luzon ay hindi ito gaang naging mapaminsala.
Ayon kay Narag, mas malalim kasi ang tumamang lindol sa Visayas pero mas malawak ang sakop nito dahil naramdaman ito hanggang Bicol.
Dahil sa may kalaliman, inaasahan din na mas kaunti at mas mahihina ang maidudulot nitong aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.