Naitalang aftershocks ng 6.1 magnitude na lindol sa Luzon umabot na sa halos 600
Umabot na sa halos 600 ang aftershocks na naitala matapos ang 6.1 na magnitude na lindol sa Luzon noong Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, alas 4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules (Apr. 24) nasa 593 na ang bilang ng mga naitalang aftershocks.
Pinakamalakas ay ang 4.5 magnitude na naitala kaninang alas 2:02 ng madaling araw kung saan ang epicenter pa rin ay sa bayan ng Castillejos sa Zambales.
Ayon kay Phivolcs Siesmology Department OIC Ismael Narag, pababa naman na ang bilang ng mga naitatalang aftershocks.
Gayunman, maari pa aniyang tumagal ng ilang araw ang nararanasang mga pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.