Palasyo duda sa pangunguna ni Duterte sa SWS survey
Kinuwestiyon ng Malacanang ang resulta ng pinaka-huling Social Weather Station (SWS) survey kung saan nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidential candidate sa 2016 elections.
Sa pagkakaintindi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay kinomisyon ng pribadong grupo ang nasabing survey.
Duda si Lacierda sa resulta dahil hindi katulad sa mga karaniwang survey ang ginamit na pagtatanong dito.
Base kasi sa report sa mga pahayagan, binanggit ang pangalan ni Duterte hindi tulad nang dati na hinahayaan ang mga respondents na siyang maglagay ng pangalan na gusto nitong iboto bilang Presidente.
Minaliit naman ni Lacierda ang mga nasa likod ng survey dahil ang survey na dapat aniyang hintayin ay ang mangyayari sa may 2016 elections.
Base sa pinaka-huling SWS survey, nakakuha si Duterte ng 38-percent, 21-percent naman si Sen. Grace Poe ganun din kay Vice-Preisdent Jejomar Binay, 19-percent ang manok ng administrasyon na si Mar Roxas samantalang 1-percent ang nakuha ni Sen. Mirriam Defensor Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.