San Antonio de Padua Church isa nang ‘national shrine’
Itinalaga bilang isang National Shrine ang makasaysayang San Antonio de Padua Church sa Pila, Laguna araw ng Martes (March 24).
Ang ngayo’y National Shrine of San Antonio de Padua ay ang kauna-unahang Antonine Church sa Asya ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ang pagtatalaga sa simbahan bilang isang pambansang dambana ay pinangunahan ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles kasama si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico bilang isang homilist.
Ito ang kauna-unahang national shrine ng Diocese of San Pablo at pang-25 sa buong Pilipinas.
Sa isang decree, umaasa ang mga obispo na ang sinumang bibisita sa dambana ay lalago sa kanilang pananampalatayang Kristiyano-Katoliko.
Pinasinayaan ang simbahan ng San Antonio de Padua noon pang 1581 sa Pagalangan ngunit inilipat at muling itinayo sa Pila sa pagtutulungan ng mga mamamayan mula 1804 at natapos taong 1816.
Noong May 2000 ay iprinoklama ng National Historical Institute ang San Antonio de Padua Church bilang isang ‘national historical landmark’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.