May-ari ng Kentex, papanagutin sa sunog

May 15, 2015 - 03:21 AM

fire-burnNahaharap sa kasong kriminal ang may-ari ng KENTEX Manufacturing Corporation dahil sa sunog na kumitil sa 72 manggagawa.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Raxas, ang inter-agency task force na binuo para magsiyasat sa naturang sunog ay tinitignan na ngayon pa lmang ang posibleng ananagutan ng may-ari ng kumpanya lalo na sa punto ng building permit at labor abuse.

Nauna rito ay sinibak ni Roax si Superintendent Mel Jose Lagan ng Valenzuela City Fire Station upang hindi maka-impluwensiya sa naturang imbestigasyon. Bago pa man ang opisyal na imbestigasyon ay nangatwiran na si Ilagan sa media na ang Kentex Manufacturing Corporation ay may sapat na fire exists “May sound fire exits ang KENTEX at sumunod ito sa fire code,” ang sagot ni Ilagan sa tanong ng media.

Ang KENTEK ay may tatlong gusali sa loob ng isang compound. Ang unang gusali ang naapektuhan ng sunog na ayon sa mga saksi ay nagmula sa welding ng steel roll-up gate ng naturang kumpanya. Hindi alam ng mga inupahang magsagawa ng drilling na may mga nakalalaso at explosive chemicals sa naturang compund. Mabilis na kumalat ang makapal at maitim na usok kasunod ng malakas na pagsabog at apoy. Hindi na nagawang makalabas ng mga manggagawa na karamihan at nasa ikalawang palapag ng gusali.

Ang mga biktima ay pansamantalang ililbing muna at saka na ang pagkakakilanlan sa mga ito dahil sa ang mga biktima ay sunog na sunog nang matagpuan habang ang iba ay halos kalansay na.-Jimmy Tamayo

 

 

 

TAGS: 72 killed, fire, Kentex, sunog, valenzuela, 72 killed, fire, Kentex, sunog, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.