Phivolcs, nagpaalala vs fake news hinggil sa lindol sa Samar
Muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko laban sa pagkakakalat ng mga peke o hindi beripikadong balita hinggil sa tumamang lindol sa Eastern Samar, Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, hindi nagbibigay ng prediksyon ang ahensya ukol sa naranasang lindol.
Sinabi pa nito na iwasan ang pag-share o pagpasa ng mga pekeng balita.
Posible kasi anilang magdulot ito ng pagkalito at pangamba sa sinumang makababasa nito.
Para sa pinakahuling update at tamang impormasyon, mag-antabay lang anila sa kanilang official website na www.phivolcs.dost.gov.ph
Naramdaman ang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar at ilang parte pa ng Visayas, Caraga at Bicol bandang 1:37 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.