Sunog sumiklab sa isang gusali sa Ermita, Maynila at residential area sa QC, Caloocan

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 03:55 PM

Sumiklab ang sunog sa isang apartment building sa Ermita, Maynila Martes ng hapon.

Ayon sa emergency dispatch service ng Manila Police District (MPD), naganap ang sunog sa Gotesco Tower sa bahagi ng Natividad Lopez Street sa Ermita bandang 12:21 ng hapon.

Makalipas ang isang oras, itinaas ang sunog sa ikalawang alarma.

Agad naman naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog matapos ang 10 minuto.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa sunog.

Napaulat din ang dalawang insidente ng sunog sa residential area sa Quezon City at Caloocan.

Batay sa ulat, tinupok ng apoy ang bahagi ng Calamba Street sa Barangay Salvacion sa Quezon City.

Itinaas na ang sunog sa ikalawang alarma.

Samantala, nagliyab din ang sunog sa ilang kabahayan sa 14 Block 28 Dagat-Dagatan sa Caloocan at idineklara namang fire under control bandang 2:19 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaapula ang sunog sa mga nasabing lugar.

TAGS: caloocan, Ermita, Maynila, MPD, quezon city, sunog, caloocan, Ermita, Maynila, MPD, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.