WATCH: Mag-iina kabilang sa nasawi sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2019 - 09:50 AM

DPWH Photo

Kabilang ang isang ina at kaniyang dalawang anak sa mga nasawi matapos matabunan ng debris sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Pampanga Governor Lilia Pineda, isinama ng ina ang kaniyang dalawang anak para mag-grocery sa Chuzon Supermarket nang yumanig ang 6.1 magnitude na lindol.

Nakilala ang mag-iina na sina Manilyn Dela Cruz, at anak niyang sina Jacob, 6 anyos at Haylee 1 taong gulang.

Ayon kay Pineda sa Mexico, Pampanga, meron isang senior citizen ang nasawi matapos madaganan ng tangke ng tubig habang sugatan naman ang kaniyang apo.

Dead on the spot naman ang mag-lola sa Lubao, Pampanga matapos madaganan ng pader.

Tiniyak naman ni Pineda na pagkakalooban ng tulong ng provincial government ang pamilya ng mga nasawi sa lindol.

TAGS: aftermath, Chuzon Supermarket, earthquake, lilia pineda, Pampanga, aftermath, Chuzon Supermarket, earthquake, lilia pineda, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.