Lady cop na umaresto sa holdaper sa bus, pinarangalan

By Jan Escosio December 07, 2015 - 01:13 PM

PNP Photo
PNP Photo

Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang babaeng pulis na matapang na pinigilan ang bus hold-up sa Edsa sa Cubao, Quezon City noong nakaraang linggo.

Kasabay ng Monday flag raising ceremony sa Camp Crame at sa harap ng mga matataas na opisyal ng pambansang pulisya ay ginawaran si PO1 Judy Ann Dizon De Villa ng ‘Medalya ng Kagalingan’.

Magugunita na Martes ng gabi, ng Disyembre a-uno, pauwi na si De Villa sa Makati City mula sa kaniyang duty sa Navotas Police Station nang magdeklara ng holdap ang tatlong armadong lalaki sa loob ng sinasakyan nilang Cher bus.

Nang agawin ng isa sa mga suspek ang bag ng isang babaeng pasahero, tumayo na si De Villa at nagpakilalang pulis at mabilis na tumalon palabas ng bus ang mga suspek.
Sinundan sila ni De Villa at binaril nito sa likuran ang isa sa mga suspek na nakilalang si Juanito Arsenio kaya’t nabawi ang bag ng babaeng pasahero.

Sinabi ng babaeng pulis naglakas-loob na siyang tumayo dahil naka-uniporme siya ng mga sandaling iyon at tila hinamon siya ng mga holdaper na sa kabila ng pagkakaroon ng pulis sa loob ng nasabing bus ay nagdeklara pa rin ng holdap.

TAGS: PO1 Judy Ann Dizon De Villa, PO1 Judy Ann Dizon De Villa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.